Skip to main content
Body

Filipino Tagalog

Ginawa namin ang lahat ng paraan upang matiyak na itong mga pahinang isinalinwika ay tama. Kung may napansin kang anumang mga pagkakamali, mangyaring ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-email sa nationalofficeforchildsafety@ag.gov.au.

Child sexual abuse: Get the facts – Filipino Sekswal na pang-aabuso sa bata: Alamin ang mga katotohanan

Lahat tayo ay makakagawa ng mga bagay na makapagpapababa sa peligro ng sekswal na pang-aabuso sa bata. Kabilang sa mga halimbawa ay:

Pagkakaunawa ng sekswal na pang-aabuso sa bata,

Pagkatuto kung paano magtukoy ng mga peligro at pagkakaalam kung ano ang dapat gawin kung ang bata o kabataan ay, o nasa panganib na, ng sekswal na pagkaka-abuso.

My superhero voice – Filipino Ang aking superhero na boses

‘Ang ‘My superhero voice’ ay isang librong-kwento na angkop-sa-edad na sumusuporta sa mga magulang, tagapag-alaga at iba pang mga may-edad mula sa lahat ng mga kultura at kinagisnan upang magkaroon ng mga panghadlang na pag-uusap (preventative conversation) tungkol sa sekswal na pang-aabuso sa mga bata at taong kabataang edad.

Conversation toolkit – Preschool – Filipino Edad bago mag-eskwela na mga bata (Preschool-age children)

Itong gabay ay magbibigay sa iyo ng mga halimbawa kung paano sisimulan ang mga pakikipag-usap sa mga batang edad 0 hanggang 5 taong gulang tungkol sa sekswal na pang-aabuso.

Conversation toolkit – Primary school – Filipino Edad pangprimaryang eskwela na mga bata

Itong gabay ay magbibigay sa iyo ng mga halimbawa kung paano masisimulan ang mga pakikipag-usap sa mga batang may edad 6 hanggang 11 taong gulang tungkol sa sekswal na pang-aabuso.

Conversation toolkit – Teenagers – Filipino Mga Tin-edyer

Itong gabay ay magbibigay sa iyo ng mga halimbawa kung paano sisimulan ang mga pakikipag-usap sa mga batang nasa edad 12 hanggang 18 taong gulang tungkol sa sekswal na pang-aabuso.

Introductary self-assessment tool for organisations – Filipino Panimulang Tool sa Self-Assessment para sa Mga Organisasyon

Ang mga bata ay may karapatan sa pagiging ligtas -sa emosyon, sa isipan at katawan. Lahat ng tao ay may papel na ginagampanan upang mapanatili ang mga bata na ligtas sa kapahamakan. Ang kapahamakan ay may maraming anyo katulad ng pinsalang dulot ng aksidente, pagkalantad sa mga pisikal na panganib, pagbu-bully ng mga kaklase o kaedad, pagpapabaya, emosyonal na pang-aabuso, pisikal na pang-aabuso at sekswal na pang-aabuso. Ang mga organisasyong nagbibigay ng mga serbisyo sa at nagtatrabaho para sa mga bata, pinapatakbo man ng kawani o mga boluntaryo, ay may tungkulin sa pangangalaga upang panatilihing ligtas ang mga bata at upang igalang ang kanilang mga karapatan.

Child safe organisations: Guide for parents and carers – Filipino Mga Organisasyong Ligtas sa Bata: Gabay sa mga magulang at tagapag-alaga

Bilang magulang o tagapag-alaga, makakaranas ka ng isang hanay ng mga organisasyon kung saan ang iyong anak ay aalagaan, maglalaro, matututo, bubuo ng mga bagong kakayahan at makakakilala ng iba pang mga bata at taong nasa hustong gulang. Ang Gabay na ito ay tutulong sa iyo na makapag-isip tungkol sa kung paano pinapatakbo ang bawat organisasyon at ang kanilang mga pag-aareglo sa kaligtasan at kapakanan ng mga bata.

Speak up – Resources for children and young people – Filipino Magsalita — Mga mapagkukunan para sa mga bata at kabataan

May mga karapatan ka! Palaging okey na magsalita kung sinasaktan ka o kung hindi ka masaya sa paraan ng pagtrato sa iyo.

National principles for child safe organisations – Filipino Mga Pambansang Prinsipyo para sa Mga Organisasyong Ligtas ng Bata

Itinatag sa pamamagitan ng diskarteng alinsunod sa mga karapatan ng bata at batay sa mga pamantayang nirerekomenda ng Royal Commission, ang Mga Pambansang Prinsipyo at dinisenyo upang makabuo ng kapasidad at ihatid ang kaligtasan at kapakanan ng bata sa mga organisasyon, pamilya at komunidad at hadlangan ang kapahamakan nila sa hinaharap. Upang pahintulutan ang pleksibilidad sa pagpapatupad at bilang pagkilala sa iba't ibang uri, laki at kapasidad ng mga organisasyon, binalangkas ng Mga Pambansang Prinsipyo sa mataas na antas ang 10 elemento na mahalaga para maging ligtas ang isang organisasyon para sa mga bata.

If you or a child are in immediate danger, call Triple Zero (000).

Information on reporting child safety concerns can be found on our Make a report page.

Get support

The information on this website may bring up strong feelings and questions for many people. There are many services available to assist you. A detailed list of support services is available on our Get support page.